LIBRENG PAG-AARAL SA SOLO PARENTS

PLANO ng pamahalaang lungsod ng Quezon na  magtayo ng mga pasilidad kung saan maaaring iwan ng mga solo parent ang kanilang mga anak upang makapagtrabaho o makapag-aral muli.

Ani Belmonte, napipilitang tumigil sa pag-aaral ang ilang solo parents dahil sa pagbubuntis o iba pang obligasyon sa pamilya.

Hiwalay umano ito sa mga day care centers kung saan iniiwan ng dalawang oras ang bata.

Sa bagong day care facilities para sa anak ng solo parents, maghapong may nag-aalaga sa kanyang anak habang nag-aaral o nagtatrabaho sila.

Malaking tulong umano ito sa mga solo parents na hindi kayang kumuha ng tagapag-alaga ng kanilang mga anak.

Ayon pa kay Belmonte, maraming teenage mothers na gustong mag-aral ngunit ‘di magawa dahil wala silang mapag-iiwanan ng kanilang mga anak.

Sinabi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na karapatan ng bawat tao na makapagtapos ng pag-aaral  kaya nanawagan siya sa mga residente na pumasok sa QCCC anuman ang kanilang edad.

Nakipagtambalan muli si Belmonte sa Ateneo de Manila University (ADMU), Division of City Schools, at Technical Education and Skills Devel-opment Authority (TESDA) para sa enrollment ng ikalawang batch ng 145 na high school dropouts, out-of-school youth, at maging mga batang solo parent na nagnanais makatapos ng pag-aaral.

Nagbibigay ang QCCC ng libreng 10-buwang technical-vocational courses sa pamamagitan ng TESDA at special program sa ilalim ng Ateneo Cen-ter for Educational Development (ACED) ng ADMU.

Nitong Agosto, nagtapos ang unang batch ng mga mag-aaral sa QCCC, 42 sa kanila ay nakakuha na ng trabaho.

Bukas ang mga kursong Food and Beverage; Cookery; Bread and Pastry; Welding; at Automotive.

Bukod sa skills training, ang mga mag-aaral ay bi­nibigyan din ng Alternative Learning System (ALS) at life skills training ng Department of Educa-tion.  NENET L. VILLAFANIA

Comments are closed.