LIBRENG PAGDAAN SA SMC SOUTH TOLLWAYS

NAIA Expressway

TULAD ng nakasanayan na ng maraming tao, hindi maniningil ng ‘toll’ sa ika-10 ng gabi ng Disyembre 24 hanggang ika-6 ng umaga  kinabukasan (Disyembre 25), at sa ika-10 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang ika-6 ng Enero 1, 2019.

Libreng makadaraan ang mga motoristang gagamit ng NAIA Expressway (NAIAx), Skyway System, South Luzon Expressway (SLEX) at Star Tollway sa  nasabing mga oras bilang pasasalamat ng Skyway O&M Corp (SOMCO), Manila Toll Expressway Systems, Inc. (MATES), at Star Tollway Corp. (STC) sa mga motoristang tumatangkilik sa SMC South Tollways, kasabay ng pagbati nila ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.

Upang maiwasan ang anumang antala sa daan, pinapayuhan ng mga tagapamahala  ng South Tollways ang mga daragsang moto­rista na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe, tiyaking maayos ang  kondisyon ng kanilang sasakyan, ma­ging alerto at maingat sa pagmamaneho at sumunod sa batas trapiko.

Sa Skyway, NAIAx, SLEX at Star Tollway, inaasahang titindi ang trapiko simula sa  ­Disyembre 21 (Biyernes) para sa Pasko at Disyembre 28 (Biyernes) para sa Bagong Taon,  gayundin sa ­Enero 1 o 2, 2019  dahil sa mga biyaherong pabalik sa kani-kanilang destinasyon. Sa mga panahong ito, kabilang sa  mga bahagi ng SMC Tollways na inaasahang lalaki ang bilang ng mga sasakyan na magdudulot ng pagbigat ng trapiko ay ang NAIAx-Skyway Main Toll Plazas, Dona Soledad, Dr. A Santos, Alabang sa Skyway elevated section; at Nichols, C5, Merville, Sucat at Bicutan northbound (NB) at (SB) exits at sa South Station.

Gayundin ang Filinvest NB Exit/SB Entry, Susana Heights, Carmona, Santa Rosa, Eton, Cabuyao Interchange,  Calamba at Greenfields NB/SB exits  sa SLEX.

Samantala, sa Star Tollway naman, ina­asahan ang mahabang pila sa mga toll plaza ng Sto. Tomas, ­Tanauan, Malvar, Balete, Lipa, Ibaan at Batangas City. Para sa mabilis at ma­ginhawang pagpasok at paglabas ng tollways, ang mga moto­rista ay pinapayuhan na mag­handa ng exact toll o mas mabuting guma­mit ng RFID.

Para sa kinakaila­ngang tulong at traffic update, tumawag lamang sa SMC South Tollways Hotline (02) 318-8655.

Comments are closed.