ISANG mall sa Novaliches, Quezon City ang nag-aalok ng libreng parking space bilang terminal para sa mga jeep, UV express van at tricycle para makatulong na maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Tandang Sora area.
Tinugunan ng Crossroad Tandang Sora mall ang ‘Bayanihan sa Lansangan’ program ni Mayor Joy Belmonte, na humihiling ng kooperasyon sa pagitan ng mga barangay at private agent sa pag-aalis ng mga nakasasagabal sa public roads at sidewalks.
Ang mall ay isang prime spot na may mabigat na trapiko araw-araw. Matatagpuan ito malapit sa kanto ng Quirino Highway at Tandang Sora Avenue. Ang mga commuter ay ibinababa sa nasabing intersection, na nagdudulot ng pagsisikip ng trapiko sa lugar.
Dahil dito ay papayagan ng pamunuan ng Crossroad ang mga sasakyan na magbaba at magsakay ng mga pasahero sa kanilang parking area upang makatulong na mapaluwag ang trapiko.
Comments are closed.