HULING ARAW na ngayong Hulyo 13 ng Philippine Trade Training Center sa kanilang taunang tradisyon ng pagdiriwang ng MSME Development Week, ang libreng seminar para sa MSMEs na may temang “Leveling Up MSMEs for Success and Growth.”
Sinimulan kahapon, nagpokus ang seminar sa merchandising on the web, “A Training on Digital Marketing” na may mga speaker mula pa sa Google Singapore and Philippines. Bilang follow-through activity sa training, may Workshop Signing-up sa Google My Business na magbibigay sa mga negosyante na magkaroon ng sariling website na magpapakita ng kanilang produkto at serbisyo. Ang mga sumali sa workshop ay pinayuhan na magdala ng kanilang mobile devices.
Nagkaroon ng lecture series na isinagawa ng Lazada Philippines, isa sa nangungunang online selling platform sa bansa, na nagsimula sa refresher course on the basics of Ecommerce 101. Ang isa pang sesyon “The Future of Shopping Using Facebook to Increase Sales” ay para sa paggamit ng social media accounts sa marketing.
Ngayon araw, ang seminar ay magpopokus sa session series para sa food manufacturers at entrepreneurship development – “Enhancing Entrepreneurial Mindset,” “Establishing a Market Niche,” “Developing a Winning Product,” “Creating a Brand,” “Food Product Development,” “Food Engineering and Processing,” at iba pa. Kindly refer to the schedule of the seminars below.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga topic ngayong araw at iba pang detalye, kontakin ang telephone number 831-9988 o kaya ay mag-email sa email [email protected]. Sundan din ang kanilang Facebook page, DTI.Philippine Trade Training Center.
Ang registration ay sa araw ng seminar at ito ay sa first-come first-serve basis kaya siguruhin na pumunta ng maaga.
Comments are closed.