LIBRENG QUARANTINE FACILITY SA 104 OFWs

LIBRENG ipinagkoob ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang Manila COVID-19 Field Hospital upang magsilbing quarantine facility sa mahigit na 100 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagbalik bansa na positibo sa sakit na COVID-19.

Ayon sa city government ay ang simpleng pagtanaw ng utang na loob para sa mga OFW na siyang nagbibigay ng malaking tulong para sa ekonomiya hindi lamang sa Lungsod ng Maynila kung hindi sa buong bansa.

Personal na sinalubong ng punong lungsod ang 104 OFWs mula sa iba’t ibang bansa na tinawag niyang mga bagong bayani.

“Ito ay ang aming pagpapasalamat sa inyo. Alam ko mahirap maging OFW, of all the things and challenges of being an OFW, tapos there is a threat and stress on your job,” ayon kay Mayor Isko Moreno.

“Kahit dito man lang masuklian namin ng pagmamalasakit dito sa Maynila na kayo welcome. We will do our best to make you comfortable as much as possible,” dagdag nito.

Kasama ng punong lungsod sina Department of Health Secretary Francisco Duque III, Chief

Implementer Sec. Carlito Galvez Jr, Bureau of Quarantine Director Dr. Obet Salvador.

Sinigurado naman ng punong ehekutibo sa mga pamilya ng OFWs na ang kanilang mga mahal sa buhay ay nasa mabuting kamay ni Dr. Arlene Dominguez na siyang pinuno ng Manila COVID-19 Field Hospital.

Ang Manila COVID-19 Field Hospital ay may 344 na bed capacity at may mga libreng serbisyo hatid sa mga pasyente katulad ng X-ray, oxygen tanks, mga gamot, pagkain, wifi, at aircon.

Matatandaan na libreng binakunahan din ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang humigit kumulang na 20,000 na OFWs nitong nakaraanh taon upang tulungan silang makalipad sa ibang bansa para sa kani-kanilang mga trabaho. VERLIN RUIZ