TULOY ang pagbibigay ng libreng gold standard of testing o ng RT-PCR swab coronavirus testing sa Manilans at non-Manilans.
Ito ang tiniyak ng city government of Manila kahapon sabay sa pag-anunsiyo na may kabuuang 197,378 indibidwal na ang nabigyan ng free swab testing sa Maynila hanggang nitong Biyernes.
“Maibsan man lang ang gastusin ninyo sa hirap na dinaranas natin sa pandemyang ito. Nais naming mabigyan kayo ng kapanatagan thru gold standard of testing at ‘yan po ay mananatiling libre hanggang kaya, loobin nawa ng Diyos,” pahayag ng punong lungsod at ginagarantiyahan na ang swab tests sa
Maynila ay mananatiling libre kahit matapos na ang eleksyon sa Mayo.
Ayon sa chief executive ng Maynila kabahagi sa paggawa ng mga pro-poor programs sa lungsod at nananatiling bukas sa pagtulong sa mga kalapit siyudad ang lahat ng opisyal ng city hall .
Ang sinumang na gustong mag-avail ng free swab testing ay maaaring magtungo sa drive-thru center sa Luneta o sa anim na pagamutan na pinatatakbo ng lungsod. VERLIN RUIZ