HINDI na maibabalik ang libreng sakay program sa buong bansa, ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista.
Sinabi ni Bautista na pumalo na sa mahigit P7 bilyon ang nagastos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa libreng sakay program mula Abril hanggang Hunyo.
Aniya, ang tiyak lang na mananatili sa libreng sakay ay ang EDSA Bus Carousel na magtatagal hanggang sa katapusan ng Disyembre.
Dagdag pa ng kalihim, aabot sa P1.4 bilyon ang kinakailangan para mapondohan ang pagpapalawig ng libreng sakay sa bus carousel. DWIZ 882