HINILING ng isang commuter at transport group sa Department of Transportation (DoTR) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling tingnan ang kahulugan ng “colorum”.
Ginawa ang panawagan ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) upang ang “Libreng Sakay” ay hindi matawag na colorum operation.
Ayon kay Inton, nitong mga unang araw na sinuspinde ang pasada ng public transport sa ilalim ng dating umiiral na enhanced community quarantine ay naglibreng sakay ang ilang volunteers ng LCSP para makauwi ang mga stranded na pasahero.
Marami ring pribadong sasakyan ang nagbayanihan para tumulong. Ang Laban TNVS at Angkas riders ay nag libreng sakay rin para sa mga health and non-health frontliners at walang bayad ang pagsakay sa mga ito.
Sa ngayon ay may mga local government units na may programang libreng sakay upang makaambag sa kakulangan ng public transport. Mga sasakyan na arkilado ng LGU na nagbibigay ng libreng sakay at karamihan dito ay mga provincial buses na natengga dahil walang operasyon.
“Per trip ang arkila ng LGU sa mga bus sa kani-kanilang ruta at pansamantalang pamamasada. Pero teka? Kung bayad ng LGU ang mga ito di ba’ t hindi mo matatawag na libre? Kung ikaw ang pasahero ay libre para sayo dahil hindi ka naman nagbayad ng pasahe dahil arkilado nga ang sasakyan at bayad ito ng LGU,” saad ni Inton.
“Taxpayers money ‘ika nga. Pero sa parte ng operator ay hindi libre ang kanyang pasada dahil inarkila sila ng LGU. Nilibre ng LGU ang mga pasahero at may special permit ito galing sa LTFRB. Pero paano kung ang mga inarkila ng LGU ay mga pribadong sasakyan at nag libreng sakay? Dito na pumapasok ang usaping colorum. Pag pribadong sasakyan at inarkila papasok sa colorum operation ang pasada maski ang intensyon ay magbigay ng libreng sakay,” wika pa ni Inton.
Sinabi pa nito na maraming lumapit sa LCSP na nahuling colorum dahil “nagbigay ng libreng sakay”. “Halimbawa, may van siya pero hiniram ng kaibigan para maghatid sa probinsiya. Usapan nila ay sagot ng kaibigan ang gasolina at pagkain at pocket money ng driver. Dahil van mainit sa mata ng mga enforcers kaya na-flag down. Tinanong ang mga nakasakay kung nagbayad sila ang sagot ay oo pang gas at allowance ng driver. Hinuli na ito na colorum! Ha? Aba’y libre na ang gamit ng sasakyan pati ba naman gas at sa driver ilibre pa rin? Meron namang kaso na na isinasabay niya ang mga officemates niya araw-araw at imbes na mamasahe ay kino-contribute ang pamasahe at ibinibigay na sa may-ari ng sasakyan. Hinuli rin ito na colorum! Ha? Bakit? Alangan naman na libre sila habang buhay,” pahayag pa ni Inton.
“Marahil aniya ay kailangan matingnan ulit ang kahulugan ng colorum upang ang “libreng sakay” ay hindi matawag na colorum operation. Kung hindi naman pang arkila o pasahe ang ibinigay na pera sa driver o sa may-ari ng sasakyan at hindi naman ito namasada para sa publiko. Colorum pa ba naman ang tawag dun?” tanong pa ni Inton. BENEDICT ABAYGAR, JR.
901595 751058It shows how you comprehend this subject. Added this page, is for more. 15179
12162 498926Hello fellow internet master! I truly enjoy your site! I liked the color of your sidebar. 337790
777809 240218Hello, Neat post. There is an problem along along with your web site in internet explorer, may test thisK IE nonetheless could be the marketplace chief and a big section of men and women will pass over your excellent writing due to this problem. 662787