SIMULA sa Mayo 6, magkakaroon ng pag kakataon ang mga pasahero na makasakay nang libre sa tren na gawang Pinoy.
Ang Hybrid Electric Train (HET) ng Department of Science and Technology ay may rutang Alabang, Muntinlupa hanggang sa Biñan, Laguna
Kailangang tapusin ng Philippine National Railways (PNR) ang 150 oras o tinatayang 19 araw na run time para sa tren bilang bahagi ng turnover process.
Kahapon ay pinasinayaan na ang HET sa pangunguna ni DOST-Philippines Secretary Fortunato de la Peña, sa PNR Biñan, Laguna station.
Ipinagmalaki na ito ay 100% locally made train na isinulong ng Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) ng DOST.
“A product of the DOST-MIRDC’s research and development initiatives, the HET technology is a breakthrough in its own right. This home-grown technology, once given a chance, is going to make the Filipinos’ public transportation challenges a thing of the past,” ang pahayag sa MIRDC website.
“The HET aims to raise the efficiency of the PNR’s operations through reduced production and operational costs,” dagdag pa nito.
Nagsimula ang proyekto noong 2016 at noong 2018 ay pumasa ito sa reliability, availability, maintainability at safety testings.
Fully airconditioned ang coaches ng tren, may CCTV system, LED TV sets at automatic sliding doors.
CANADA KUMILOS NA SA BASURA
AGAD na kumilos ang Cana- dian Embassy sa Filipinas sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda siyang makipag-away kapag hindi hinakot pabalik ang kanilang basura na matagal nang na- tengga sa bansa.
Ayon sa pahayag ng Canadian Embassy, makikipagtulungan sila sa mga ahensiya ng gobyerno para resolbahin ang nasabing problema.
Dagdag pa ng Embahada ay kinikilala nila ang desisyon ng korte sa importer na nag-uutos ibalik ang mga basura sa Canada.
Iginiit ng Embahada na matibay ang relasyon ng dalawang bansa at nagkakaisa sa layuning patatagin ang relasyong politikal, ekonomiya at maging ang kultura.
Mayroon na umanong technical group mula sa magkabilang kampo na nagsasagawa ng pag-aaral kung paano maiaalis ang basura na hindi makasasama sa kapaligiran.
Nilinaw ng Canada na nagpapatupad na sila ng bagong panutunan sa hazardous waste shipments noong 2016 upang hindi maulit ang ganitong pangyayari.
Nauna dito ay nagbanta ang Pangulo sa situation briefing sa Provincial Capitol sa San Fernando, Pampanga na mayroon na lamang hanggang sa susunod na linggo ang Canada para hakutin pabalik ang kanilang basura.
Kapag umano hindi pa kinuha ng Canada ang kanilang basura ay siya mismo ang magpapadala nito sa naturang bansa sakay ng isang barko.
Tila kinakaya-kaya umano ng Canada ang Filipinas at hindi umano siya makapapayag sa ganitong trato sa mga Filipino.
“Awayin natin ang Canada. We will declare war against them. Kaya man natin ‘yan sila. Isauli ko ‘yan talaga. Ikarga mo ‘yan sa barko and I will advise Canada that your garbage is on the way, prepare a grand reception. Eat it if you want to,” pahayag ng Pangulo. (Tren na gawang Pinoy lalarga na.
Comments are closed.