WALANG patid ang pagbibigay ng libreng sakay ng Department of Transportation (DOTr) sa mga health worker, hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging sa iba’t ibang rehiyon.
Ang libreng sakay ay ipinagkakaloob sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Hanggang noong Enero 6, 2021 ay umabot na sa 1,997,697 ang kabuuang ridership ng programa, kung saan 554,035 ang total ridership sa NCR-Greater Manila, habang 1,443,662 naman sa iba pang mga rehiyon.
Malalaman din ang aktuwal na lokasyon ng mga vehicle unit, maging ang 20 ruta ng libreng sakay sa Greater Manila, sa website, at mobile app ng Sakay.ph. Ibig sabihin, mas madali para sa mga health worker na malaman kung saan maaaring i-avail ang libreng sakay. Narito ang UPDATED MAP LINK: https://covid19.sakay.ph
Katuwang din ng DOTr sa programa ang Petron Corporation, na nagbibigay ng fuel subsidya sa mga transport company na kasali sa inisyatibo.
Samantala, nananatiling libre ang toll fee sa lahat ng expressways sa Luzon para sa mga medical worker. Ang free toll free program naman ay naisakatuparan sa kooperasyon ng mga toll operator sa Toll Regulatory Board (TRB) ng DOTr.
Ang inisyatibong ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng DOTr sa Office of the President, Office of the Solicitor General, Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), at Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT).
Comments are closed.