QUEZON CITY – ISANG regalo ang handog ng Department of Transportation (DOTr) at mga kompanya na nag-ooperate ng P2P buses para sa libo-libong ina ng tahanan.
Ayon sa DOTr, bilang pagbibigay pugay sa sakripisyo ng mga nanay at kaugnay sa pagdiriwang ng Mother’s day ay naghandog sila ng libreng sakay sa mga P2P Buses na pinasimulan nila kamakalawa pa Mayo 9, 2018 at magwawakas ngayong araw ng Biyernes May 11.
Kabilang sa magbibigay ng libreng sakay ang mga P2P bus ng RRCG na biyaheng Alabang Town Center – Greenbelt 1 at vice versa.
Ang oras ng biyahe ng P2P ng RRCG ay sa pagitan ng alas-7:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon kapag galing sa Alabang at alas-8:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon kapag galing ng Greenbelt.
Libre rin ang sakay ng mga nanay sa P2P bus ng DNS na biyaheng UP Town Center – Glorietta 3 at vice versa.
Sa pagitan naman ng alas-5:30 ng umaga at alas-3:00 ng hapon ang biyahe kapag galing UP Town Center at 5:30AM hanggang alas-5:00 ng hapon kung galing Glorietta. VERLIN RUIZ
Comments are closed.