LIBRENG SAKAY SA MRT3 DINAGSA

DUMAGSA  ang mga pasahero sa unang araw na libreng sakay ng MRT Line-3, para sa mga bumibiyahe mula North Avenue patungong Taft at pabalik.

Mahabang pila ang sumalubong sa mga pasahero pagbukas pa lamang ng tren dakong alas-4:30 ng umaga at dumami pa hanggang sa pagsasara nito alas-10:10 ng gabi.

Ang libreng sakay ay bilang pagdiriwang sa matagumpay na rehabilitasyon ng MRT-3 at bilang tulong na rin sa mga Pilipino na apektado ng mataas na presyo ng mga bilihin.

Para makasakay, gamitin lamang ang dating beep card sa paglabas at pagpasok ng istasyon, at single journey ticket na kukuhanin sa mga ticket booth kung walang beep card. DWIZ882