LIBRENG SWAB AT ANTIGEN TEST

NAG-ALOK ng libreng COVID-19 testing ang lokal na pamahalaan ng Las Pinas sa mga residente na nais malaman kung sila ay nahawahan ng nabanggit na virus.

Ang libreng RT-PCR at antigen test ay isasagawa ng Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon lamang.

Para ma-avail ng residente ang libreng RT-PCR at antigen tests ay tumawag lamang ang mga ito sa COVID-19 hotline ng lungsod na 09271400492 at 0927140098.

Idinagdag pa na ang kopya ng swab results sa isinagawang test sa isang indibidwal ay maaaring i-request sa lpchoswabresults@gmail.com o tumawag lamang sa mga numerong 09564029964 at 09614260564.

Ang mga opisyal na resulta naman ng isinagawang RT-PCR ay ipadadala sa mga pasyente sa pamamagitan ng email habang ang mga resulta ng mga pasyente na sumailalim sa antigen test ay maipagkakaloob sa isang pasyente sa loob lamang ng 30 minuto. MARIVIC FERNANDEZ