NILINAW ni Presidential Spokesman Harry Roque na maaari namang maka-avail nang libreng RT-PCR o swab test ang maralitang Filipino.
Ito ay sa pamamgitan ng Philippine Health Insurance Corporation ( PhilHealth).
Sinabi ni Roque na ang nais magpa-swab test ay maaaring magtungo lamang sa health facilities na may RT-PCR laboratory, mag-fill up ng form sa ilalim ng PhilHealth at ito na ang babalikat sa gastusin o bayarin.
Dito, aniya, papasok ang konsepto ng slogan ng PhilHealth na bawat Filipino, miyembro, bawat miyembro protektado na nangangahulugan na lahat ng Pinoy ay maaaring magpa-swab test na sagot ng nasabing state health insurer.
Ayon pa kay Roque, alisunod din ito sa mekanismo sa Universal Health Care na sagot ng pamahalaan ang gastusin sa pagpapasuri sa kalusugan.
Samantala, kung sa Red Cross naman aniya magpapa-swab test ay depende sa machine na gagamitin.
Maaari aniya na kapag donated ang machine ay libre subalit kung hindi ay posibleng may bayad pero sabi ni Roque dapat ay wala nang bayad. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.