LIBRENG TECH-VOC EDUCATION

TESDA-TECH-VOC

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang libreng Technical-Vocational education sa mga Filipino.

Layunin ng Republic Act 11230 o ang “Tulong Trabaho Act” na matugunan ang problema ng job-skills mismatch sa bansa at mapalakas ang kuwalipikasyon ng Filipino workforce.

Maglalaan  ng “Tulong-Trabaho Fund” na  gagamitin para bigyan ng libreng access sa technical-vocational education ang mga  kuwalipikadong aplikante at libreng training na pangungunahan ng TESDA.

Makikinabang dito ang mga walang trabaho na nasa edad 15 pataas ganoon din ang mga worker na gusto pang mapalawak ang kani­lang kakayahan at kasanayan sa trabaho.

May  60  na araw pa ang TESDA para bumuo ng implementing rules and regulations  ng bagong batas  na magiging epektibo naman 15 araw matapos itong mailat­hala sa  Official Gazette o sa mga pahayagan. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.