LIBRENG TRAINING PROGRAMS SA OFW RETURNEES ALOK NG TESDA

Florencio Sunico, Jr

LIBRENG training programs ang  alok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga bumabalik na overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay TESDA-NCR Director Florencio Sunico, Jr., maaa­ring magpatala online ang mga interesadong OFWs.

Sinabi ni Sunico na ang na fill up-an na form online ay ididiretso sa mga lalawigan kung saan uuwi ang mga OFW na tatawagan ng opisina nila  para masali sa training program.

Pipili ang mga  OFW ng programang nais nila na ilalagay sa kanilang application.

Isa sa maituturing na in-demand training ngayon ay sa agrikultura para matiyak ang seguridad ng pagkain sa bansa sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)  pandemic.

Una nang inihayag ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease Deputy Chief Implementer Vince Dizon na tinatayang 300,000  OFWs at seafarer ang inaasahang uuwi pa sa bansa dahil sa pandemic.

Comments are closed.