NILAGYAN ng pamahalaan ng 24 hours WIFI ang bagong activated COVID-19 health facilities sa Metro Manila upang madaling makakonekta ang mga medical frontliner sa mga kinauukulan at maging sa kanilang mahal sa buhay habang naka-duty sa mga ospital.
Ayon sa pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na siyang gumawa ng inisyatibo, ang mga binabanggit na health facilities ay ang Ninoy Aquino Stadium sa Rizal Memorial Sports Complex, Philippine International Convention Center Tent at ang World Trade Center.
Ayon sa Inter-agency task force (IATF), ang mga pasilidad na ito ay ginawang treatment facilities na pagdadalhan sa mga patients under investigation (PUIs) o patient under monitoring (PUMs).
Kasabay rin na iinstala sa La Salle Greenhills campus sa Mandaluyong ang smart WIFI kung saan nakatira ang mga health worker na nagtratrabaho sa malapit na mga ospital.
Ayon sa impormasyon na nakalap ng PILIPINO Mirror, ang Smart WiFi ay may bilis na 1 Gigabyte per second, na siyang pinaka-latest ng PLDT-Smart.
Ang Smart WIFI connection na ito ay naisakatuparan upang matulungan ang mga frontline agencies katulad ng Departments of health, transportation, public works, armed forces, police, local governments at sa non-governmental organizations sa buong bansa.
Inilagay ang mga quarantine site upang ma-decongest ang mga ospital sa Metro Manila at mabawasan o maprotektahan ang community transmission sa mga health worker. FROI MORALLOS
Comments are closed.