LIBRO NG PUBLIC SCHOOLS IGAGAYA SA PRIVATE SCHOOLS

Nais ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na pabilisin ang procurement ng mga libro para sa basic education kaya plano niyang magkanya-kanyang bili na lamang ng aklat ang mga estudyante.

Sinabi ni Angara sa Senate deliberation ng proposed 2025 budget ng DepEd na tinitingnan nila kung posibleng magkaroon ng title pre-selection. Ito umano ang sistema ng mga private schools at law schools, kung saan ibinigay sa mga estudyante ang mga titulo ng aklat para ma­kabili sila sa mga bookstores.

“I think it will make things easier — to select from the available titles in the market, and it will also help perhaps our local publishers and the local publishing industry as well if we tell them in advance that we will be purchasing from your titles rather than having that cumbersome process of developing your own manuscript, among others,” paliwanag ni Angara.

Kokunsultahin umano ng DepEd chief ang Government Procurement Policy Board para maisalegal ang proseso.

“We have to get an opinion from the DBM, the Government Procurement Policy Board (GPPB), as to whether we could pre-select legally the titles and then bid them out. Kumbaga, alam na natin na yun ang bibilhin, yung title na yun (It’s like, we already know what to procure, what title),” ayon pa kay Angara said, dahil ito ang unang pagkakataong gagawin nila ito kung sakali.

Sa kasalukuyang sis­tema, nagsasagawa ang DepEd ng early procurement activities upang maipamahagi ang mga aklat sa mga mag-aaral sa tamang oras.

Ang ahensya mismo ang gumagawa ng sarili nilang mga aklat.

Aminado si Angara na kung minsan, tapos na ang school year bago maipamahagi ang ibang aklat.

Suportado naman no Sen. Sherwin Gatchalian ang nasabing ideya. Ito ron umano ang rekomendasyon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).

“That was one of our recommendations, one of the ideas that was floated that in private schools, even in basic education they give you a list and you go to a book store and you buy your books. So, the private schools they don’t print their own books or make their own books,” ani Gatchalian.

“So, I think that’s a very good out-of-the-box solution and I’m very happy to hear that we’re finally moving into that very practical solution, actually,” dagdag pa niya.

Sumuporta rin dito si Sen. Pia Cayetano, dahil batay umano sa kanilang pag-aaral, nakalalamang sa pagkatuto ang mga private school learners, who use the title pre-selection system kumpara sa mga  public school learners dahil sa kanilang sustena.

“So, why would DepEd historically want to create their own books when the books seem to be good enough for the students in the private schools that seem to be doing well?” Ani Ca­yetano.

Sa isinagawang daya­logo sa mga publishers, napag-alamang ang badyet ng mga private schools ay at least PHP600 per book, samantalang badyet ng DepEd ay PHP120 lamang per book.

Ngunit sinabi ni Cayetano na pwedeng pababain ang PHP600 sa PHP120 dahil 25 milyong piraso naman ang bibilhin ng DepEd para sa public basic education learners sa buong bansa.

Humihingi ang Dep­Ed ng PHP793.2 billion sa susunod na taon, na 2.8 percent na mas mataas sa dating PHP762.1 billion approved budget ngayong taon.

JAYZL VILLAFANIA NEBRE