IPAGKAKALOOB na sa ikatlong papasok na telecommunication company ang kanilang lisensiya para makapag-operate sa bansa.
Sa ginanap na lingguhang Report to the Nation Forum ng National Press Club, inanunsiyo ni Depart-ment of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary for Operations Eliseo Rio na sa darating na Lunes, Hulyo 8, ay ibibigay na sa Mislatel Consortium ang kanilang license to operate.
Ayon kay Rio, nakatakdang i-award sa Mislatel na pagmamay-ari ng negosyanteng si Dennis Uy ang kanilang tinatawag na Certificate of Public Convenience and Necessity, gayundin ang Frequency to Op-erate, sa Palasyo ng Malakanyang sa Lunes kasunod na rin ng pag-apruba ng prangkisa nito ng dala-wang kapulungan ng Kongreso.
Aniya, may 5-year commitment ang ikatlong telco na may bilis na 27 megabytes kung kaya inaasahang magkakaroon na ng mas magandang kumpetisyon sa hanay ng telcos sa bansa.
Napag-alamang tuloy-tuloy ang isinasagawang paglalagay ng kompanya ng fiber optic cables at cell sites sa Metro Manila, Cebu at Davao. BENEDICT ABAYGAR, JR
Comments are closed.