Licensure exam tuloy sa unang quarter ng 2021

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diesases (IATF-MEID) ang pagsasagawa ng licensure examinations para sa professionals na itinakda ngayong unang quarter ng 2021.

Ang approval ay nasa ilalim ng IATF Resolution No. 95 na inisyu noong Huwebes, Enero 21, at tinalakay sa pulong kasunod ng kahilingan ng Professional Regulation Commission.

“The licensure examinations for professionals scheduled for January to March 2021 shall be conducted “with observance of the strict health protocols as approved by the Department of Health,” nakasaad sa pahayag ng the task force.

Inatasan din ng IATF ang lahat ng concerned agencies na magbigay ng full assistance para sa ligtas at matagumpay na pagsusulit para sa mga propesyonal.

Nasa 20 licensure examinations ang nakatakdang gawin ngayong Enero hanggang Marso at kabilang dito ang mga kumuha ng kursong medical technologists, sanitary engineers, architects, veterinarians, physical therapists, occupational therapists, social workers, mechnical engineers, foreign medical professionals, physicians, optometrists, at professional teachers.

Noong isang taon ay naantala ang pagkuha ng licensure exams ng mga nagsipagtapos sa nasabing kurso dahil sa coronavirus pandemic. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.