SULTAN KUDARAT- PINANINIWALAANG nabuwag na ang notorious na Tomanda Criminal Group matapos na madakip ng mga tauhan ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pinuno at 2 miyembro ng sindikato sa ikinasang police operation sa lalawigang ito.
Kinilala ni PNP-CIDG Director BGen. Ronald Lee ang mga suspek na sina Norylyn Delos Reyes Tomanda, leader ng nasabing Criminal Group at No. 8 Provincial Most Wanted Person ng Sultan Kudarat .
Kasamang nadakip ang dalawang tauhan nito na sina Jeve Delos Reyes Tomanda na No. 10 Provincial MWP ng Sultan Kudarat at Jenelyn Piedraverde Maquidato bilang No. 9 Provincial MWP ng Sultan Kudarat.
Sa record ng PNP-CIDG sangkot ang Tomanda Criminal Group sa swindling, investment scams at iba pang ilegal na aktibidad na nag ooperate sa Tacurong City, Isulan, Bagumbayan, Sultan Kudarat at kalapit na probinsiya.
Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng CIDG Sultan Kudarat para sa documentation at proper disposition bago sila iharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest. VERLIN RUIZ