QUEZON CITY – ARESTADO ang lider ng Basag Kotse Gang at mga tauhan nito ng mga kagawad ng Quezon City Police District sa hideout ng mga ito sa Marikina City.
Ayon kay QCPD Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang Batac “Basag Salamin robbery Group at limang miyembro nito ay dinakip sa Brgy. Tañong, Marikina.
Kinilala ang lider na si Julius Batac, 25, at ang mga miyembro na sina Elvin Duanan, 33, Rodelio Sibug, 52, Rosana Mae Maramias, 20, Eugenia Argawanon, 34, at Harlan Requilman, 35, ng Tondo, Manila.
Alas-6:30 ng hapon noong Linggo, isang Benson Bong Paras, 43-anyos ang nagreklamo na nabiktima siya nang iparada ang sasakyan sa Katipunan Ave. corner Sunrise Street, Brgy. Milagrosa, Project 4, Quezon City.
Sa salaysay ni Paras, habang nasa loob siya ng food store ay isang lalaki ang pumulot ng bato at binasag ang salamin ng kanyang kotse.
Paglabas ng biktima ay tinutukan siya ng baril saka kinuha ang kanyang cellphone at P2,000 cash saka tumakas.
Nadakip ang mga ito sa follow-up operation noong Lunes sa Marikina City. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.