LIDER NG CPP-NPA NASAKOTE SA QC

albayalde

ISANG high-ranking leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) Central committee ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa  Quezon City

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Oscar Albayalde, nasakote ng kanyang mga tauhan si Esterlita Suay-baguio, secretary ng  Metro Manila Regional Party Committee (MMRPC) ng CPP-NPA.

Si Suaybaguio ay nadakip sa bisa ng inisyung search warrant sa kanyang pinagtataguan sa Escalades Condominium Tower 5, 20th Avenue, Cubao, Quezon City, ala-1:50 ng madaling araw kahapon dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Nabatid na si Suaybaguio ay dating university professor sa  Tagum City, Davao del Norte at naging kalihim ng secretary  communist movement’s Southern Mindanao Regional Party Committee at  Komisyon Min­danao (KOMMID).

Partikular siyang hinirang ng  CPP’s Central Committee para pangunahan ang muling pagbuhay at pagpapalakas ng komunismo sa  Metro Manila.

Pinangunahan ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pamumuno ni Maj. Gen Guillermo Eleazar at ng Armed Forces of the Philippines Joint Task Force-NCR na pinamumunuan ni Brig. Gen. Alex Luna.

Ang joint tactical operation ay armado ng warrant na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 89 Judge Cecilyn E. Burgos-Villavert.

May mga kinakaharap ding kaso ang suspek gaya ng multiple murder at pagpatay kay Patrolman Ronald U. Napalan Jr. sa Sitio Lobo, Brgy. Mahaba, Cabadbaran City noong Hunyo 29.

Dinala ang suspek sa PNP  Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Quezon City Police District for booking procedures and medical examination bago inilantad sa media ni Albayalde kahapon. VERLIN RUIZ