NAHULI ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines –New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Kinilala ito na si Solome Crisostomo, 64-anyos.
Ayon kay PNP Chief, Police Lt. Gen, Dionardo Carlos, naaresto si Crisostomo sa alas-10 ng umaga sa Brgy. Mabolo, Malolos City.
Siya ay hinuli ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Regional Office 3, Police Regional Office 4A at Special Action Batallion sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong rebellion.
Ito ay sangkot sa mga panggugulo sa mga komunidad sa CALABARZON at itinuturo ring nasa likod sa pananambang ng mga pulis.
Si Crisostomo ay kasalukuyang may P5 Million na patong sa ulo.
Dahil naman may edad na, sinabi ni PNP Chief na binigyan nila ng nurse si Crisostomo para i-monitor ang kanyang kondisyon. REA SARMIENTO