Nagpahayag ng agam agam ang isa sa farmer leader na si Raul Montemayor, National Manager ng Federation of Free Farmer’s Cooperative,Inc. sa pagiging epektibo ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act o Republic Act 12022 na bagong batas na panlaban sa smugglers, hoarders, profiteers, cartel at iba pang lalabag dito lalo pa at kasama ang Bureau of Customs (BOC) sa mga manghuhuli na madalas ay kasabwat ng mga violator.
Ito ay dahil umano sa marami ang naging kahalintulad na batas laban sa mga naturang mga illegal na gawain na nakaaapekto sa ekonomiya at sektor ng pangisdaan at agrikultura subalit wala naman aniyang nahuhuli o nakukulong.
“Ang issue lang kasi dyan pati yung mga nakaraang batas pati na mga six years na kasi yan e. Yung ganyang klaseng batas. Wala naman nahuli. Hindi yung panghuhuli ang pinakaproblema.Yung case build up no,” sabi ni Montemayor.
“Kasi pag nahuli mo yung nag-i-smuggle, idadaan mo pa rin yan sa korte, pero yung ebidensya, yung kaso na ipa- file mo mas solid yun. Kundi ididismis yan ng korte. Yan po ang nangyayari. May mga nahuhuli na sa tingin nila ay smuggled. Pero dahil sa kakulangan ng ebidensya, dahil sa kahinaan ng kaso na ifinile sa korte, nadi-dismiss.Walang nasasakdal,” sabi niya.
Sa ilalim ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act o Republic Act 12022 na nilagdaan kamakailan lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging ganap na batas, nakasaad dito na papatawan ng mas mabigat na parusa ang mga sangkot sa pagsasabotahe sa ekonomiya partikular na ang pag- smuggle at pag-hoard ng mga produktong pang agrikultura.Batay sa datos, tinatayang daang bilyong piso ang nawawalang kita ng gobyerno dahil sa economic sabotage, partikular sa smuggling.Sinumang mapatutunayang lumabag sa bagong batas ay papatawan ng mas mabigat na habangbuhay na pagkabilanggo at walang piyansa, at multa na limang beses sa halaga ng ipinuslit na produkto.
“Ang posibleng magiging magandang epekto nito ay mas matatakot yung mga may tangkang mag- smuggle na gawin yan.Dahil medyo matindi yung mga penalties na pinalaki,” dagdag ni Montemayor.
Isa sa dahilan naman ng pagdududa ni Montemayor na magagamit ang naturang batas pangontra sa mga naturang lumalabag dito ay ang pagsama aniya sa Bureau of Customs (BOC) na sa mga operatiba na manghuhuli sa mga violators ng RA 12022.
Bagamat naiintindihan nilang binibigyan ng naturang measure ng pangil ang batas laban sa mga lumalabag dito, naniniwala pa rin si Montemayor na makakahanap pa rin ng paraan ang mga smugglers, hoarder, profiteers, at cartel ng paraan para makalusot dito.
“Yung problema naman sa namamakyaw ng locally produced agricultural products.Yung hoarding, cartel profiteering. Pero napakatagal na tayong may batas tungkol dyan.Mayroon pa nga tayong Anti Competition Commission, wala ring nahuhuli kasi napakahirap nating i-prove na yung negosyanteng ito ay sa tingin nila ay smuggle. Nag smuggle, pero dahil sa kakulangan ng ebidensya o sa kahinaan ng kaso na ifinile sa korte nadi-dismiss.Walang nasasakdal,”dagdag pa ni Montemayor.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia