ARESTADO ng CIDG ang lider ng kriminal na grupo bilang bahagi umano ng kampanya kontra most wanted sa loob ng Govvi Office sa JMT building, ADB Avenue, Mandaluyong City.
Kinilala ni CIDG-Director BGen. Romeo Caramat, ang suspek na si Bryan Malto Geonon, lider ng GEONZON Rent-Tangay Criminal Gang at top 2 most wanted sa Station level sa paglabag sa RA 10883 o ( Anti-Carnapping Law).
Nadakip ang suspek ng mga operatiba ng CIDG-Field Unit dakong alas- 8:30 kamakalawa ng gabi gamit ang warrant of arrest na inilabas ni Hon. Anna Michelle Cruz Atanacio Veluz, Presiding Judge ng RTC branch-169 ng Malabon City na may petsang Hulyo 27, 2022.
Ang mga naarestong akusado ay dinala sa Quezon City DFU para sa tamang dokumentasyon at disposisyon bago ibalik ang WOA sa mga korte na nag-isyu. ELMA MORALES