LIDER NG GUN-FOR-HIRE, 1 PA DEDO SA PANANAMBANG

baril

LAGUNA – TINAMBANGAN ng mga armadong kalalakihan ang ng mga salarin ang da­ting miyembro ng New Peoples Army (NPA) at tumatayong lider umano ng Gun For Hire kabilang ang isa pa nitong  kasamahan sa bahagi ng National Highway Brgy. Canlalay, Biñan City nitong linggo ng umaga.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Giovani Martinez, hepe ng pulisya kay Laguna PNP Provincial Director Col. Serafin Petalio II, nakilala ang biktimang sina Lope Espejo Jr. alias “Ka Alvin” 52, lider ng Gun for Hire ng Blk 29, Lot 8, Phase 2, Lupang Pangarap, Brgy. San Jose at kasamahang si Randy Avila ng Brgy. Dela Paz ng nasabing lungsod.

Naganap ang insidente, dakong alas-8:45 ng umaga nang tambangan ang mga biktima habang aktong bibili ang mga ito ng pintura na malapitang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga suspek bago tuluyang tumakas lulan sa isang SUV patungo ng lungsod ng San Pedro.

Sa talaan ng pulisya, lumitaw na ang mga biktima ay responsable umano sa ilang kaso ng pagpatay sa unang distrito ng Laguna, Illegal Drugs Protector at Extortion Activities sa Binan Public Market kung saan inaalam din ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang mga ito sa naarestong Calabarzon Most Wanted Person  na si Mark Anthony Sison sa North Cotabato. DICK GARAY

4 thoughts on “LIDER NG GUN-FOR-HIRE, 1 PA DEDO SA PANANAMBANG”

  1. 13888 579622The subsequent time I read a weblog, I hope that it doesnt disappoint me as a great deal as this one. I mean, I know it was my option to read, but I truly thought youd have something attention-grabbing to say. All I hear can be a bunch of whining about something which you possibly can repair should you werent too busy on the lookout for attention. 438700

  2. 307255 939811I actually thankful to locate this site on bing, just what I was looking for : D too bookmarked . 113248

Comments are closed.