LAGUNA- BUMAGSAK sa mga kamay ng Laguna Provincial Intelligence Unit at Calauan police force ang lider ng isang grupo na nagbebenta ng ilegal na baril sa lalawigan ng Laguna at Batangas.
Sa report ni Maj. Mary Anne Torres, OIC Calauan police kay General Antonio Yarra, Calabarzon police director, nakilala ang suspek na si Reynaldo Belen.Jr. 36-anyos, may -asawa at residente ng NHA , Barangay Dayap, Calauan Laguna.
Ayon kay Torres, si Belen ay pinuno ng isang grupo sa ikatlong distrito ng Laguna na nagbabagsak ng mga hindi lisensiyadong baril na ginagamit ng mga holdaper at riding in tandem.
Nakumpisks mula kay Belen ang isang .22 revolver at 6 na bala nito, isang shot gun at mga live ammo para naman sa .cal 45 at 9mm.
Sinabi naman ni Yarra na hindi dapat pamarisan ang mga gawain na ikapapahamak ng mga sibilyan at sisiguraduhin nito na patuloy na magiging matahimik at mapayapa ang buong Region lV-A.
ARMAN CAMBE