NASAKOTE ang wanted na lider ng ‘Jonard Bernardo Criminal Group’ na sangkot sa serye ng robbery hold-up nang mamataan ng mga awtoridad sa lungsod ng Pasig.
Kinilala ni Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya ang nadakip na si Jonard Bernardo y Besa, 27-anyos, binata at nakatira sa No. 46 Gahit St., Brgy., Pinagbuhatan sa nasabing lungsod.
Ayon kay Maj. Jose Luis Aguirre, nadakip ang Bernardo sa bahagi ng Sandoval Avenue sa Pasig City nang itawag ng impormante na sakay ang suspek ng karnap na motorsiklo sa lugar.
Tinangka pa umanong manlaban ang suspek ngunit naunahan ito ng awtoridad at nakuha rito ang isang cal. 38, may anim na bala, isang hand grenade at Yamaha Nmax na may file number 1303-0975900.
Nabatid na sangkot ang suspek sa robbery hold-up ng Vape Supply/Shop noong Marso 10 sa No. 149 Conching St., Brgy., Buting Pasig at kinasuhan sa Prosecutors Office nitong Marso 14 na may warrant of arrest na inisyu ni Hon. Presiding Judge Rowena De Juan Quinagoran, RTC Branch 166 para sa 3 counts ng robbery at may piyansa na P100, 000.00 at sangkot din umano ito sa serye ng hold-up at iba’t-ibang uri ng kaso sa lungsod ng Marikina at Taguig.
Kasong paglabag sa Disobedience to a Person in Authority, RA10591 (Illegal Posession of Firearms and Ammunition ), RA 9516 (Illegal Possession of Explosive) at RA10883 (New Anti-Carnapping Law). ELMA MORALES