ZAMBOANGA CITY- NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine National Police –Anti Kidnapping Group na pinamumunuan ni P/Bgen Jonnel. C Estomo at mga element ng Western Mindanao Command ang kidnap-for-ransom group/Abdussalam Group sub-leader sa inilunsad na joint law enforcement operation kahapon sa Sitio Sahaya, Barangay Mampang sa lalawigang ito.
Sa impormasyong ibinahagi nina Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng Western Mindanao Command at Estomo na target ng operasyon ang suspek na si Samad Awang, a.k.a. Ahmad Jamal y Mara sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Honorable Josefino Bael, presiding judge ng 9th Judicial region, Regional Trial Court Branch 31 sa Imelda, Zamboanga Sibugay.
Inihain ang naturang warrant sa suspek bandang alas-12:30 ng madaling araw subalit pumalag ito at biglang bumunot ng baril na siyang ikinamatay nito.
Ang warrant ni Away ay kaugnay sa violation of Article 267 ng Revised Penal Code (Serious Illegal Detention, Kidnapping, and Hostage-Taking).
Ayon kay PNP-AKG Spokesman Major Ronaldo Lumactod, ang napatay na leader ng Abdussalam Group ay may ugnayan kay Abu Sayyaf Basilan base leader Fuiruji Indama at nasa No. 25 KFRG Wanted List ng PNP-PRO9 na sinasabing responsable sa Joel Endino, KFRC sa Ipil, Sibugay, Zamboanga City, at Gian Carlos Bossi, KFRC at Kathy Casipong, KFRC .
“With their lives in danger, the apprehending team retaliated which resulted in the instantaneous death of Awang,” ani Lumactod.
Bukod pa ito sa serye ng kidnapping incidents sa mga munisipalidad sa shoreline areas ng Zamboanga City. VERLIN RUIZ
Comments are closed.