ISABELA – DAHIL sa pagsasagawa ng pulong na hindi ipinaalam sa awtoridad, isang lider ng magsasaka at umano’y miyembro pa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army ang idineklarang persona non grata ng mga opisyal ng barangay sa pamumuno ng kanilang chairman na si Norberto Valdez ng Sta. Isabela Sur, Ilangan City, Isabela
Ayon kay Valdez, naging batayan nila sa deklarasyon ng persona non grata kay Cita Manguelod ang pagsasagawa nila umano ng pagpu-pulong na hindi naipapaalam sa mga opisyal ng barangay
Iginiit ni Valdez ng Sta. Isabel Sur, na ang naging batayan nila sa pagdedeklara ng persona non grata laban kay Managuelo ang pagsasagawa nito ng pagpupulong na hindi naipapaalam sa mga opisyal ng barangay.
Maging ang pamamahagi nila umano ng mga polyeto kung saan nakasaad ang pag-aklas laban sa pamahalaan.
Inihayag ni Valdez na nakipag-ugnayan siya sa pamunuan ng 95th Infantry Battallion upang isangguni ang kabuoang nilalaman ng mga polyeto na ipinamamahagi ng grupo ni Managuelod.
Batay naman sa pagsusuri ng 95th Infantry Battallion, iba umano ang intensiyon ng nasabing mga polyeto.
Sa panig naman ni Valdez na nanindigan na hindi siya natatakot sa kanilang pagdedeklara ng persona non grata sa CPP-NPA at kay Managuelod dahil ayon sa kanya, tungkulin niyang isaayos bilang namumuno sa kanilang barangay.
Nanindigan din siya na lahat ng problema sa loob ng kanilang barangay ay kaya nilang lutasin sa tulong ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Ilagan.
Samantala, inihayag ni Cita Managuelod na handa siyang makipag-usap sa mga opisyal ng Barangay Sta. Isabel Sur upang maipaliwanag ang kanilang panig. IRENE GONZALES
Comments are closed.