LAGUNA – PINAGBABARIL hanggang mapatay ang 30-anyos na factory worker at kasalukuyang vice chairperson ng Pamantik-KMU sa Kapayapaan Road, Asia 1, Bgy. Canlubang, lungsod ng Calamba.
Batay sa ulat ni Regional Public Information Officer (RPIO) PMaj. Mary Ann Crester Torres, nakilala ang biktimang si Dany Miguel, binata, residente ng Bgy. Majada Labas ng nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon, dakong alas- 8:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril habang pauwi ito lulan sa kanyang motorsiklo.
Tumakas ang mga suspek matapos na pagbabarilin ang biktima na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Si Miguel ay pansampu na sa mga aktibista na nasawi makalipas ang umano’y police crackdown sa kapwa niya militante sa bahagi ng Timog Katagalugan. DICK GARAY
701810 808After study a handful with the content inside your internet internet site now, and that i genuinely such as your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet web site list and are checking back soon. Pls appear into my web site as effectively and tell me what you believe. 900569
696078 368704You ought to get involved in a contest personally with the finest blogs on-line. I will recommend this page! 32061