ZAMBALES- DEAD on the spot ang lider ng Movilla Kidnap-for- Ransom Group makaraang makipagbarilan sa pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group sa bahagi ng Poblacion North sa bayan ng Sta.Cruz sa lalawigang ito, Huwebes ng hapon.
Sa report ni Atty.Mark Santiago at Atty Jerome Bomedian, isisilbi sana nila ang warrant of arrest sa kasong paglabag sa article 319 ng Revised Pinal Code na inisyu ni MTC Sta.Rosa Laguna Judge Ireneo Lustre.
Kinilala ang napatay na suspek na si Bryce Movilla Y Singalaoa, 50-anyos ng Poblacion South Sta Cruz sa nabangit na bayan.
Nabatid na si “Movilla”ang lider ng Kidnap-for-ransom group na sangkot sa kasong kidnapping ng isang Malaysian POGO worker sa Makati City.
Nabatid na nagpanggap na NBI agent ang suspek na dala ang pekeng warrant laban sa Malaysian national bukod dito peke rin ang plaka na inilagay sa kulay puti na Nissan Navara na may plakang DBH 2023.
Tinangay ang biktima na itinago sa isang Hotel sa Sta. Cruz, Zambales bago ipinatubos ng milyong piso.
Subalit, nakatunog ang suspek sa pagdating ng mga operatiba at dali-daling tumakas lulan ng pick-up na kulay puti.
Dito nagkaroong nang habulan sa pagitan ng NBI at suspek na agad nagpaputok ng baril hanggang sa masukol ng mga tauhan ng NBI at CIDG.
Nakuha ng NBI sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang pistola na may naka-engrave na BRYCE.
THONY ARCENAL