PAMPANGA – ARESTADO ang lider ng New People’s Army sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng PNP Central Luzon sa Angeles City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang NPA leader na si Rodolfo Salas o mas kilala sa alyas na Commander Bilog, 72-anyos.
Si Bilog ay nahaharap sa 29 counts ng murder at dating opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP) kabilang ang 38 katao na iniutos na dakpin ng Manila Regional Trial Court Branch 32 noong nakarang taon.
Sa report na ipinadala ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, payapang sumama si Salas sa mga pulis matapos mahuli sa kanyang tinutuluyan sa bisa ng warrant of arrest.
Narekober naman sa pag-iingat ng NPA leader ang kalibre 45 na baril at mga bala. REA SARMIENTO
Comments are closed.