LIDER NG NPA REBS SUMUKO

SAMAR-ISANG lider ng Communist-Terrorist Group (CTG) sa Eastern Visayas ang sumuko naman sa hanay ng pulisya.

Ayon kay PNP-PRO 8 Regional Director Brig. Gen. Bernard Banac, sumuko si Dennis Loberando alyas “Yamog” o “Clem” sa Barangay Dumalo-ong sa Gandara, Samar.

Bitbit ang kanyang 9mm Smith and Wesson na may limang bala at isang granada ay sumuko si Loberando, Team leader ng Squad 1 SYP Platoon Zandrew.

Sa ngayon, si Loberando ay nasa kustodiya ng Gandara Municipal Police Station.

Agad na isinumite ang pangalan ni Loberando para makasama sa makatatanggap ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno para sa mga dating rebelde.

Hiniling din ni Banac na publiko ang patuloy na hikayatin ang mga kasapi ng CTG’s na kanilang maaring makausap para sa kapayapaan at kaunlaran ng Region 8. VERLIN RUIZ