LIDER NG NPA SUMUKO

QUEZON- ISANG aktibong lider ng New People’ s Army (NPA) na ilang ulit nang. nakipag- engkuwentro sa tropa ng pamahalaan sa San Francisco at San Andres ang kusang sumuko nitong Lunes ng tanghali sa bayan ng Lopez, Lucena City.

Sa ulat ng Regional Mobile Force Battalion 4A , kinilala ang sumuko na si Cesario Santoria, 54-anyos, may aliases na “Sario”, “Julie” at ka “ Roland” atresidentee ng Lopez.

Ayon sa militar, si Santoria ay kaanib sa Squad Bekeng, Platun Reymark ng Sub- regional Party Committee.

Inamin ni Santoria na sinikap ng kanilang grupo na makipag-alyansa sa mga natitira pang rebelde na nasa Bondoc Peninsula.

Ang pagsuko ni Santoria ay dahil sa walang tigil na paggalugad ng pinagsamang puwersa ng Quezon provincial mobile force company, Lopez police 405th Maneuvers company at ng Regional mobile force Battalion 4A.
ARMAN CAMBE