LIDER NG ROBBERY GROUP ARESTADO SA ENTRAPMENT

arestado

ISANG lider ng Almoguera Robbery group ang naaresto ng Marikina City Police sa ikinasang entrapment operation sa nasabing lungsod.

Kinilala ni P/Capt. Renato Torres, hepe ng Station Investigation Section(SIS) ang nadakip na si Alfonso Almoguera y Pante alyas “Alfie”, 27-anyos, tubong Ticao, Masbate at kasalukuyang naninirahan sa Blk 44 Mais St., Brgy. Tumana sa naturang lungsod.

Ayon sa opisyal, dakong  alas-4:50 ng hapon nang ilatag ang entrapment laban sa suspek sa kasong paglabag sa RA10591 at tumayong ka-transaksyon si PSMS Vicente Sarsuela sa tahanan nito.

Narekober sa suspek ang isang kaliber 38, anim na bala, brown paper na may lamang marijuana na may bigat na 30.5 gramo na nagkakahalaga ng P3,660.00, dalawang  P500 na ginamit naman sa buy bust money.

Nabatid na ang suspek ang tumatayong lider ng Almoguera Robbery Group ang siyang nag-operate sa nasabing lungsod at maging sa karatig na siyudad at probinsiya.

Nakapiit na ang suspek sa detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA10591 at RA9165 o anti-dangerous drug act 2002. ELMA MORALES

One thought on “LIDER NG ROBBERY GROUP ARESTADO SA ENTRAPMENT”

  1. 783477 958214Someone essentially assist to make severely posts I might state. That may be the quite very first time I frequented your website page and so far? I surprised with the analysis you created to create this particular submit incredible. Magnificent task! 589676

Comments are closed.