LIDER NG ROBBERY HOLD-UP GROUP UTAS SA ENCOUNTER

holdaper

BULACAN- ISANG drug pusher na lider din ng robbery hold-up group na kumikilos sa lalawigang ito ang napatay makaraang kumasa sa pinagsanib na puwersa ng Bulacan Provincial Intelligence Unit(PIU) sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Calumpang,San Miguel,Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col.Lawrence B. Cajipe,Provincial Director ng Bulacan PNP,ang napatay na si Dante Tecson Jr alias Jun,residente ng Barangay Calumpang,San Miguel na inginungusong lider ng robbery hold-up group at drug peddler sa nasabing bayan.

Base sa report ni P/Major Jansky Andrew Jaafar,hepe ng Bulacan PIU at P/Major Renz Principe,dakong alas-3:30 ng mada­ling araw noong Sabado nang magkasa ng buy-bust operation sa Barangay Calumpang,San Miguel katuwang ang San Ildefonso Police at San Miguel PNP na ang target ay ang suspek na si Tecson na sangkot sa illegal drug at robbery hold-up sa lalawigan.

Ngunit, nakatunog si Tecson na undercover policeman ang katransaksiyon kaya tumakbo ito papasok sa loob ng kanyang bahay at nagpaputok ng baril kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad at matapos ang engkuwentro ay duguang bumulagta ang suspek na nagawa pang maisugod sa San Miguel District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Narekober ng Bulacan SOCO Team ng isang caliber 45 pistol,tatlong pakete ng shabu at assorted drug paraphernalias at itinuturo ang suspek na bukod sa pagbebenta ng iligal na droga sa bayan ng San Miguel ay sangkot din sa serye ng robbery holdp-up sa bayan ng San Ildefonso at kalapit-bayan. MARIVIC RAGUDOS

5 thoughts on “LIDER NG ROBBERY HOLD-UP GROUP UTAS SA ENCOUNTER”

  1. 602280 503010This really is a excellent common sense write-up. Really helpful to 1 who is just locating the resouces about this part. It will certainly help educate me. 520487

  2. 861209 678043Over and more than once more I take into consideration these issue. As a matter of fact it was not even yesterday that I last thought about it. To be honest, what is your thought though? 812325

Leave a Reply

Your email address will not be published.