LIDER NG SINDIKATO ARESTADO

LAGUNA – ARESTADO ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Tanza police station ang umano’y lider ng gunrunning syndicate na matagal ng nag-o-operate sa lalawigang ito at maging sa Cavite at ilang karatig lalawigan.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ng tanggapan ni Judge Agripino Bravo ng RTC branch 55 ng Lucena City, nahuli si Luisito Sanchez sa hide- out sa Barangay Daang Amaya 1, Tanza, Cavite.

Ayon kay PLt.Col. Bryan Andalan, chief ng CIDG-Cavite, nasamsam kay Sanchez ang isang cal.45 pistol at isang cal.9mm , dalawang magazines at mga live ammunitions.

Kasabay ng pagkakadakip kay Sanchez, nasakote rin sa hiwalay na police operation ang pinaka- lider ng grupo na si Rhoderick Lagamson sa tinitigilan nitong bahay sa Barangay San Francisco, General Trias , Cavite.

Sa pahayag ni Col. Marlon Santos, CIDG Director ng Region 4A, si Lagamson ang lider ng Lagamson Gunrunning group na matagal ng involved sa criminal activities sa Cavite at si Sanchez ang isa sa tauhan nito

Narekober kay Lagamson ang isang cal.45 pistol; isang 9mm ; dalawang magazines at mahigit 100 live ammunitions. ARMAN CAMBE