Standings W L
Benilde 7 1
LPU 7 2
JRU 5 2
San Beda 6 3
Letran 6 3
Perpetual 4 5
Arellano 4 5
SSC-R 3 5
Mapua 1 8
EAC 0 9
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – LPU vs Mapua
3 p.m. – EAC vs Benilde
ITATAYA ng College of Saint Benilde ang kapit sa top spot sa pagsagupa sa wala pang panalong Emilio Aguinaldo College sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil EcoOil Centre.
Pinapaboran ang Blazers na makaulit sa kanilang 73-61 first round conquest sa Generals sa larong nakatakda sa alas-3 ng hapon.
Magsasalpukan ang Lyceum of the Philippines University at Mapua, dalawang koponan na may surprising fates ngayong season, sa 12 noon curtain raiser.
Naiposte ng Benilde ang pinakamalaking panalo sa season, pinutol ang 12-game losing streak laban sa San Beda, 78-69, noong nakaraang Linggo upang manatili sa ibabaw ng standings na may 7-1 record.
Sa GMA-NCAA All-Star Game kahapon sa San Juan arena, nagbuhos si Nat Cosejo ng EAC ng 16 points at 7 rebounds, tumipa si Warren Bonifacio ng Mapua ng double-double na 14 points at 11 rebounds, habang umiskor si PBA legend Allan Caidic ng 14 points, kabilang ang apat na triples at nagbigay ng 6 assists nang gapiin ng Team Heroes ang Team Saints, 98-95.
Kumubra si San Beda’s James Kwekuteye ng 15 points at 5 assists habang nag-ambag si Letran great Willie Miller ng 12 points, 2 assists at 2 boards para sa Team Saints.
Ang annual All-Star game ay tinampukan din nina PBA legends Marlou Aquino at Jerry Codinera, gayundin ng mga talent mula sa league’s television coveror GMA.
Sa kanilang tagumpay sa kanilang unang walong laro, batid ni coach Charles Tiu na kailangan ng Blazers na maging consistent sa pagtatangka nilang wakasan ang 20-year Final Four drought.
“We are trying to build, we are trying to learn, we are trying to be a great program. This is a great test for us na when your backs are against the wall, you have to learn how to overcome adversity. That’s what’s makes a great team. But we are not there yet, we are so far from it, but hopefully we continue to get better,” sabi ni Tiu.
“It has been a great experience for our guys and hopefully, we can translate later on to our later games,” dagdag pa niya.
May 7-2 record, ang Pirates ay naghahabol sa Blazers ng kalahating laro lamang, isang malaking turnaround mula sa kanilang three-win campaign sa unang taon ni coach Gilbert Malabanan sa koponan.
Hindi maganda ang first round ng Cardinals, runner-up noong nakaraang season, kung saan napawalang-bisa ang kanilang season-opening win kontra Red Lions sa paggamit ng ineligible player at may 1-8 record lamang sa kabila ng pagkakaroon ng intact roster.
Iskor:
Team Heroes (98) — Cosejo 16, Caidic 14, Bonifacio 14, Bhyria 12, Nocum 11, Liwag 10, Flores 6, Navarro 5, Doromal 4, Larupay 4, Codinera 2, Magno 0, Villasis 0, De Santos 0.
Team Saints (95) — Kwekueteye 15, Miller 12, Sangalang 10, Sarasola 10, Gozum 8, Gonzales 8, Altamirano 7, Bahio 6, Aquino 6, Abis 4, Viray 4, Yu 3, Cullar 2, Razon 0, Sumoda 0, Clemente 0.
QS: 35-24, 52-52, 72-80, 98-95.