LIDERATO ITATAYA NG LADY BULLDOGS

Standings             W    L

NU                        4     0

UP                         3     1

UST                       3     1

DLSU     2     2

AdU                      2     2

Ateneo  1     3

FEU                       1     3

UE                         0     4

 

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – FEU vs AdU

12 noon – UST vs NU

4 p.m. – UE vs DLSU

6 p.m. – UP vs Ateneo

GALING sa five-set win kontra La Salle, umaasa ang University of Santo Tomas na masundan ito sa pagsagupa sa National University sa UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.

Ang nalalabing unbeaten team sa season na may 4-0 kartada, ang Lady Bulldogs ay hindi dapat magkampante sa pagharap sa Tigresses sa alas-12 ng tanghali.

Muling sasandal ang UST kay Eya Laure, na napantayan ang kanyang tournament-best 28 points nang gapiin ng Tigressses ang  Lady Spikers, 26-24, 22-25, 25-27, 25-23, 15-12, sa panibagong kabanata ng kanilang fabled women’s volleyball rivalry noong Huwebes ng gabi.

Mapapalaban ang UST, kasalukuyang kasalo ang  University of the Philippines sa second place sa 3-1, kontra NU, na ibabandera ang solid frontline nina Ivy Lacsina at Sheena Toring.

Subalit para kay Alyssa Solomon, ang matangkad na opposite spiker ng Lady Bulldogs, kailangan nilang maging consistent kapwa sa opensa at depensa para mapanatili ang kanilang perfect run.

“Kailangan mag-set ng standard para sa sarili namin, para mag-lessen ang errors na kino-commit namin,” sabi ni Solomon makaraang dispatsahin ng NU ang University of the East, 25-11, 25-20, 25-13.

Sisikapin naman ng Lady Spikers seek na putulin ang  two-game skid sa pagharap sa wala pang panalong Lady Warriors sa alas-4 ng hapon.

Target ng Adamson, tangan ang 2-2 kartada katabla ang La Salle sa fourth, na mahila ang kanilang winning streak sa tatlong laro kontra Far Eastern University sa alas-10 ng umaga.

Samantala, asam ng Ateneo ang unang  back-to-back wins ngayong season sa pakikipagtuos sa Fighting Maroons sa huling laro sa alas-6 ng gabi.