Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. – AdU vs Ateneo (Men)
10 a.m. – UP vs NU (Men)
2 p.m. – AdU vs Ateneo (Women)
4 p.m. – UP vs NU (Women)
UMAASA ang University of the Philippines na maibalik ang dating porma na naglagay sa kanila sa pagiging title favorites sa pagsagupa sa National University sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament ngayong alas-4 ng hapon sa Filoil Flying V Centre.
Samantala, itataya ng Ateneo ang kapit sa liderato laban sa Adamson University sa unang laro sa alas-2 ng hapon.
Matapos ang opening weekend defeat, ang Lady Eagles ay kumarera sa apat na sunod na panalo upang kunin ang solo lead.
Sa masamang laro ni ace scorer Tots Carlos, ang UP ay nasibak sa ‘top four’ nang malasap ang 21-25, 15-25, 26-28 kabiguan sa Katipunan rival Ateneo noong nakaraang Linggo.
“We tried, but things did not happen as per the plan. You could see we did not play our game. We were… We lost focus, we were not in the game. Our minds were somewhere else. I think with that, I think the result today told us many things,” wika ni coach Godfrey Okumu, na ang Lady Maroons ay kasalukuyang nasa ika-5 puwesto na may 3-2 marka.
“The only thing I can say as a coach, we don’t take any team for granted. I hoped that we would have fought the same way we fought against La Salle, but the fight wasn’t there in us today. So, I still believe we have a strong team,” dagdag pa niya.
Sa men’s division, makakasagupa ng titleholder NU ang wala pang panalong UP sa alas-10 ng umaga, habang babasagin ng Ateneo at Adamson Uni-versity ang kanilang pagtatabla sa ikatlong puwesto sa alas-8 ng umaga.
Comments are closed.