BULACAN – RECLUSION Perpetua ang naging hatol ng Bulacan Regional Trial Court (RTC) kay Ret.Gen. Palparan at sa dalawa pa.
Kasunod ito ay naging emosyonal ang mga magulang nina Sheryln Cadapan at Karen Empenio sa nasabing desisyon ng korte.
Dahil kinatigan ng korte ang mga testimonya ng mga saksi sa pagdukot at pagkidnap sa dalawang UP Student sa bayan ng Hagonoy noong Enero 26, 2006 ng umano’y mga sundalo ni Ret. Gen. Jovito Palparan Jr.
Kabilang sa hinatulan ng guilty sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr. at Sgt. Edgardo Osorio.
Pinagbabayad din sila ng tig-P100,000 na civil Indemity at P200,000 na moral damages sa dalawang kaso partikular sa cc.no 3905-M-2011 at cc.no 3906-M-2011 art-267 RPc RA 7659.
Hiling ni Erlinda Cadapan na ilabas ng mga tauhan ni Palparan ang kanilang mga anak at ang iba pang biktima ng pagdukot ng kanyang mga tauhan.
Samantala, nananatili namang at large ang isa pang akusado na si Master Sgt. Rizal Hilario.
Ayon naman kay Palparan, hindi makatarungan ang naging desisyon ni Judge Tamayo ng Branch 15 sa kanilang mga kinasasangkutan na kaso. THONY ARCENAL
Comments are closed.