LIFESTYLE CHECK SA LTFRB EXECS

LTFRB Chairman Martin Delgra III

BINALASA ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III ang mga tauhan nito sa harap ng patuloy na paggulong ng imbestigasyon sa mga pinaghihinalaang tiwali sa ahensiya.

Apektado ng balasahan ang mga cashier at security guard ng ahensiya.

Ginawa ni Delgra ang hakbang kasunod ng isinagawang entrapment operation ng Anti-Red Tape Act (ARTA), Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at National Bureau of Investigation noong ­Hulyo 26 na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang fixer sa LTFRB.

Kasabay nito ay nagpalabas ng memorandum ang LTFRB chief sa lahat ng regional directors nito para sumailalim sa lifestyle check at pinagsusumite ang mga ito ng Statement of Assets and Liabilities (SALN) at iba pang karampatang dokumento.

“We will undertake all necessary measures to reassure the public of LTFRB’s commitment to transpar-ent, accountable and corruption-free service to our stakeholders. ‘Yan ang nais ni Pangulong Duterte. ‘Yan din ang mahigpit na utos ni Secretary Tugade. Wala po tayong palalampasin dito,” pahayag ni Delgra.

Giit niya, patuloy ang LTFRB sa agresibong pagsusulong ng anti-corruption campaign, gayundin sa ma-susing pag-iimbestiga sa lahat ng mga tauhan nito. Aniya, handa siyang sampahan ng mga kaukulang kaso ang mga madadawit sa korupsiyon.

Nauna nang sinabi ng Malakanyang na kabilang ang LTFRB sa mga tanggapan ng goyerno na may pin-akamaraming sumbong sa mga kaso ng katiwalian.  BENEDICT ABAYGAR, JR.