LIFESTYLE CHECK SA PNP

Cascolan

MAGSASAGAWA ang Philippine National Police (PNP) ng lifestyle check sa mga tauhan nito upang matukoy kung sino ang sangkot sa katiwalian.

“We will be coming up with lifestyle checks of our personnel para po malaman natin kung sino po, kung ano po ‘yung dapat na maging aksiyon lalo’t lalo na ‘yung mga matutukoy namin na mga corrupt that’s why we need to get rid of corruption most especially in the PNP. “ paniniyak ni PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan sa press briefing kahapon sa Camp Crame.

Ani Cascolan, tugon ito sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa korapsyon sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.

Ipinag-utos na ni Cascolan sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang pagsasagawa ng lifestyle check para matukoy ang mga pulis na namumuhay ng marangya na lampas sa kakayahan ng kanilang sinasahod.

“Maganda ang morale nila pero ano nga ba ang kabuhayan nila ngayon? Paano sila nagkaroong ng mga gamit na ganyan (mamahalin)?” anang heneral.

Bukod sa IMEG, katuwang din ang PNP Internal Affairs Service sa pag-iimbestiga sa mga tiwaling pulis.

Sinabi ni Cascolan na bahagi rin ito ng kanilang tuloy tuloy na Internal cleansing campaign para malinis ang PNP.

Tiniyak nito, ang mga pulis na mapapatunayang sangkot sa korupsiyon ay makatitikim ng matinding parusa, kakasuhan at tatanggalin sa serbisyo. EUNICE C.

Comments are closed.