ALINSUNOD sa utos ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte, isinailalim ng Department of Finance, sa pa-mamagitan ng Revenue Integrity Protection Service (RIPS) ang mahigit 100 opisyal sa national office ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC), hudyat ng masigasig na kampanya ng ad-ministrasyong wakasan ang graft and corruptions.
Isang top-to-bottom revamp, ayon sa source, ang ikinakasa ni Finance Secretary Carlos Dominguez pa-ra umano bigyan ng bagong mukha ang BIR at BOC sa kanyang rekomendasyon sa Pangulong Duterte para ga-nap na linisin sa katiwalian ang nasabing dalawang collection agencies ng bansa dahil sa matind-ing ale-gasyong pamamayani ng korupsiyon.
Ang RIPS ay bahagi ng anti-corruption arm ng DOF at ang kalalabasan ng imbestigasyon nito sa pama-magitan ng resolusyon ay agad isasampa sa Office of the Ombudsman at maging sa Civil Service Com-mission (CSC) para managot kung guilty sa grave misconduct, serious dishonesty at nakitaan ng iba pang katiwalian at masilip ang hinihinalang ill-gotten wealth, unexplain wealth na hindi deklarado sa kanilang isinumiteng Statement of Assets,
Liabilities and Net Worth (SALN). Ang isinasagawang imbestigasyon ng RIPS ng DOF, ayon pa sa source, ay hiwalay sa nauna nang sinimulang pagsisiyasat sa mahigit na 500 government officials ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na ang layunin ay wakasan ang korupsiyon sa Duterte administra-tion.
Bukod sa BIR at BOC, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, kasama rin sa kanilang iniimbestiga-han ang mga opisyal mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Comments are closed.