LIFESTYLE OF THE RICH (Sa panahon ng lockdown)

PUSH CARTS

NASA ikapitong linggo na tayo ng enhanced community quarantine o  lockdown sa Luzon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa unang linggo ng lockdown, like the rest of the country  the “rich” and the “wealthy” are in panic mode also.

The “rich” rush to the supermarket along with their entourage a.k.a. maid, driver, nanny.   “Maa’m ilang pushcart ang kailangan? Ha! Sige kunin mo lahat na available lagyan mo lahat ng sa tingin mo kailangan natin. One hour later nagkita-kita sila sa pila papunta ng cashier. With eight push carts full of assorted foods good for six months’ consumption. Total bill: P700,000,” ang pagkukuwento ng  isa sa mga “rich” na itinago sa pangalang  Carol.

Marami sa mga nakaririwasa sa sosyedad ang hindi rin nakalilimot sa  pamilya ng mga taong naglilingkod sa kanila kaya isinama na rin sila sa mga ipinamiling mga pagkain na higit na kailangan ngayong krisis.

Pagkatapos ng pa­mi­mili ng mga pangangailangan ay saka naman ngayon pupunta na sa face spa ang mga “rich”. The reason: both rich males and females want to look decent or elegant in the midst of the lockdown Ayaw nila na mukha silang haggard dahil stressful na raw ang sitwasyon.

Now the “wealthy” (ultra-rich) are a different breed, also in a panic. Ito ‘yung hindi pumupunta sa supermarket instead they rush to private airport where private planes are waiting, they are going to their second homes or one of many houses that they owned. Some are going to private island, some are going to another country. Once they arrived at their destination they have everything they need from the gym, swimming pool, food, medicine etc.

“Pero stress pa rin sila, specially the head of the family. Dahil ‘yung kompanya na pagmamay-ari nila ay maaring puwersahang magsara dahil sa lockdown, maraming empleyado ang magugutom pati mga pamilya nila,” pahayag pa ni Carol.

Sa gitna ng lockdown at kawalan ng  pasok  ang mga empleyado ay hindi nagpapabaya ang mga may-ari ng malalaking kompanya na nagbabahagi ng tulong sa mga empleyado katulad ng katumbas na sahod sa isang buwan, bigas o mga delata.

Ang tanong: What’s worst to save our people from virus? or try to save the economy so our people has work and they can provide food for their family?

Sundan ang kakaiba pang problema ng mga “rich”. CC

Comments are closed.