LIFETIME NA ID CARDS SA PWDs ISINUSULONG

Lito Lapid

ISINUSULONG  ni Senador Lito Lapid ang lifetime validity para sa identification cards ng mga persons with permanent disabilities (PWDs)

Sa inihaing Senate Bill No. 1725 ni Lapid nais nito na amyendahan ang Magna Carta for Disabled Persons  na nagtatakda sa mga PWD na mag- renew ng kanilang mga ID kada ika-tatlong taon para ma evaluate ang kanilang kondinsyon.

Paliwanag ng senador, hindi naangkop ang re-evaluation sa “permanently disability”  tulad ng mga ipinanganak na may kapansanan tulad ng bulag, o bingi o pagkawala ng anumang parte ng katawan.

Giit niya ang proseso umano ng renewal ay pabigat sa mga benepisyaryo at pag aaksaya sa pondo ng gobyerno.

Sa ilalim ng panukala, para maging entitled sa lifetime validity ng PWD ID  ay dapat sertipikahan  ito ng municipal o city health officer at para masiguro na hindi maabuso ang ID sa sandaling sumakabilang buhay na ang may hawak nito.

Matatandaan na noong Hunyo ay nagsagawa ng imbestigsyon si Senador Sonny Angara dahil sa umano’y mga pag abuso  sa PWD ID  matapos ireklamo ang isang pamilya na nakarehistro bilang PWDs kahit hindi nakapagsumite ng mga dokumento. LIZA SORIANO

Comments are closed.