PINURI ng Simbahang Katoliko ang pag-aalis ng ban sa mga skilled workers sa Kuwait dahil isa umanong tanda ng pagsisimula sa pagpapatupad ng Memorandum of Agreement (MOA) ng dalawang bansa.
“We appreciate the good efforts, good intentions and hard works of those who made the signing a reality. And we are trying harder that all of us will fulfill and faithful to the contents of the MOA,” pahayag ni Diocese of Balaga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People.
Umaasa rin ang obispo na susundin ng Kuwait ang kahilingan ng Pilipinas na huwag itago ng mga employer ang passport ng mga Pilipino, bigyan sila ng sapat na araw ng pahinga, at pahintulutang makagamit ng cellphone upang makatawag sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Tinatayang 252,000 ang bilang ng OFWs na nagtatrabaho sa bansang Kuwait.
Naniniwala si Bishop Santos na hindi dito magtatapos ang ugnayan ng Pilipinas at Kuwait, at tunay na mabibigyan ng mataas na paggalang at pagpapahalaga ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. PAUL ROLDAN
Comments are closed.