LIGHT AIRCRAFT BAWAL MAG-TAKE OFF KAPAG SIGNAL NO. 1

HINDI na papayagan na mag-takeoff saan mang paliparan sa bansa ang mga light aircraft na tumitimbang ng maximum weight na 5,600 kilos o pababa kapag mayroong signal number 1.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Phi­lippines (CAAP) spokesman Eric Apolonio,  ito ay batay sa Memorandum Circular 013-2023 na inis­yu ni Director General Capt. Manuel Antonio L. Tamayo na naglalayong ipagbawal lumipad ang mga light aircraft kapag may signal no. 1 upang makaiwas sa aksidente.

Kasabay nito, pinapayuhan ang lahat ng mga pasahero at crew sa  commercial at general aviation flights na sumailalim sa security clearance and procedures sa mga passenger terminal building sa lahat ng CAAP ope­rated airports kung mayroong signal no. 1.

Dagdag pa ni Tamayo, “ang aircraft flying under the Visual Flight Rules (VFR) should be avoided during storms.  Aircraft are intended to operate in visual meteorological conditions, heavy precipitation, low visibility, and otherwise adverse wea­ther conditions should be avoided under VFR.”

Batay sa impormas­yon walang napaulat sa mga airport sa ilalim ng CAAP ang naapektuhan nitong nakaraang bagyo Enteng.

Samantala, naitala na 38 domestic flight ang ipinakansela ng CAAP sa ibat-ibang airport sa bansa sa ilalim ng pamumuno ng ahensiyang ito.

At kasunod nito kanselado ang Manila-Laoag –Manila at lahat ng Cebgo flight papuntang San Jose Airport.

FROILAN MORALLOS